Megan, nawindang sa halik ni Mark

Megan Young

NAGULUHAN si Ava (Megan Young) sa halik ni Conan (Mark ­Herras) sa comedy series na Conan My Beautician.

Tuliro si Ava sa kanyang nararamdaman.
Ang alam niya ay beki si Conan.

Akala ni Ava na imposible na may maramdaman siya sa kanyang “fake boyfriend.”
Pero hindi maalis sa utak ng dalaga ang halik ni Conan.

Nakakalurky!
Nakakawindang!

Lalong gugulo ang sitwasyon dahil gagawin nina Chika (Cacai Baustista) at Prince (Rodjun Cruz) ang lahat upang mapigilan ang napipintong “love story” nina Conan at Ava.

Huwag palampasin ang Conan My ­Beautician sa Linggo nang 5:00 PM, pagka­tapos ng GMA Blockbusters sa GMA 7.

***

Morisette
Morisette

Kaabang-abang ang Powerhouse concert sa Oktubre 28 nang 7:30 PM sa The Theatre ng ­Solaire Resort & Casino.

World-class ang performers sa musical showdown na ito – Arnel Pineda, Michael ­Pangilinan, Morissette at The 4th Impact.

Powerful!

Front act si Mayumi (kampeon sa ­Jap-Pinoy Star Quest ng ABS-CBN) at ang bansang T.O.M.S.

Once-in-a-lifetime ang ganitong concert, huh?!
Ipoprodyus ito ng Lucky 7 Koi ­Productions, Inc.

Para sa tiket, makipag-alam sa ­Ticketworld, tel.# 891-9999.

***

Michael Pangilinan
Michael Pangilinan

Pwede pang humabol sa Miss World Philippines!

Ayon sa pageant organizer na si Miss Cory Quirino, “Ang aming final screening sa August 29 sa B Hotel, Sct. Rallos St., Quezon City.

“Nananawagan kami sa lahat ng magagandang candidates, please join Miss World Philippines.

“Who knows, you might be the next Miss World.”
Ang hinahanap nila ay kandidatang maganda at may mabuting kalooban.

“She has to be very smart, beautiful, and of course, she has to have a very special place in her heart for charities.”

***

Kahit wala pang proyekto si Lauren Young, busy siya sa pagti-train ­bilang director.
Gusto niyang ­matutunan ang ibang aspeto ng produksyon.

“I joined a group of my friends who have a production company so I’ve been doing BTS work,” tsika ni Lauren.

“I’ve been training to be a director with Stronghold MNL. That’s what I’ve been doing now so I get a little bit of both — I get to concep­tualize and I get to be on the set, still doing what I love.”

***

Pilit na pilit at hindi nakakatawa ang panggagaya ni Nanette Inventor kay Senator ‘Dilemma.’
Lipas na ang brilyo ni Nanette mula noong nag-Doña Buding siya.

Kahit noong nag-­Janet Napulis siya ay hindi na rin nakakatawa. Sana, makahanap siya ng maganda at bagong materyal na kaaaliwan ng mga tao sa kanya.

***

Kung dati ay amnesia ang labanan, ngayon eh magiging paboritong sitwasyon ng mga tele­serye ang pagkakaroon ng Alzheimer’s disease.

Iyan ang ipapa­kita ng The Greatest Love ni Sylvia Sanchez at Someone To Watch Over Me nina ­Lovi Poe, Tom Rodriguez & Max ­Collins.

Hindi kaya madaling makalimutan din ang mga teleseryeng ito?