BINULABOG na naman ni Megan Young ang kanyang mga fans sa pasabog na pinoste niya sa kanyang Instagram wall.

Inakala ng mga followers niya na ibang babae ang pinost niya na nakatalikod, na isa itong international star dahil sa nakakawindang na kaseksihan nito.

https://www.instagram.com/p/BZgdWh3Ab2E/?hl=en&taken-by=meganbata

Pinost nga ni Megan ang photo niyang nakatalikod na suot ay skimpy 2-piece swimsuit, habang nakaharap siya sa salamin. Ang intensyon ng shot ay para makita ni Megan ang sarili sa salamin at kung ano na ang kanyang itsura sa kasalukuyan.

Walang make-up at nakataas lang ang buhok ni Megan sa photo, kaya ilan sa mga followers ng actress-beauty queen ay inakalang isa sa mga Kardashians o si Kendal Jenner ang nasa photo.

Halos buong puwet at balakang ni Megan ang umokupa ng kalahating frame ng shot na ‘yun. At ‘yun din naman ang sentro ng caption ng larawan.

“Balakang babes represent #hipsdonlie,” sey ni Megan.

Ang laki nga talaga ng balakang ni Megan na kahit ang kanyang mga kaibigang aktres ay na­pahanga.

Sabi nga ni @annecurtissmith, “I feel yah!”

Kinainggitan naman ni Lovi Poe ang balakang ni Megan, na nagsabing, “Pahingi naman nyan!”

Siyempre pa, puring-puri si Megan ng kanyang mga fans.

@kaagapaymo, “Girl, you’re more than a beautiful face and sexy body.  We love you Ms. Megan! But yes, you’re hot!”

@rama_ybrah, “U deserve being miss world…aypppp!”

Malaki man ang balakang ni Megan, napakaliit naman ng waistline nito na lalong nagpaseksi sa kanyang buong alindog.

***

PINAG-IINGAT ng kanyang mga followers si Isabelle Daza lalo at buntis ito ngayon.

https://www.instagram.com/p/BZfV7nOB64Z/?hl=en&taken-by=isabelledaza

Nag-post si Isabelle ng mga work-out photos niya sa Instagram, dahilan para mangamba ang kanyang mga tagahanga sa kalagayan nito.

Nag-aalala ang mga fans niya sa pagwu-work out niya.
@claireix, “have a safe pregnancy ate belle.”

@kittyanne.yu, “ingat sa pagwu-work out ate baka maapektuhan si baby sa yong tummy. Ate @isabelledaza when you labor your baby is strong because you work out when the baby is inside your tummy.”