Patay ang isang 24-anyos na mekaniko makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang lalaking nakasakay ng motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City.
Dead on the spot matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilalang si Jovit Billones, residente ng Barangay Plainview ng nasabing lungsod.
Sa ulat ng MandaluÂyong police, naganap ang insidente pasado alas-tres ng hapon habang abala ang biktima sa pagkukumpuni ng motorsiklo sa isang motor car shop na kanyang pinagtatrabahuhan sa Barangay PlainÂview.
Bigla na lang huminto ang isang motrsiklo na walang plaka lulan ang mga suspek at ilang ulit na pinagbabaril ang biktima na naging sanhi ng agarang kamatayan nito habang nabilis na tumakas ang mga suspek.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, dati umanong gumagamit ng ilegal na droga ang pinatay na biktima, subalit matagal na ding itong tumigil ng ilunsad ang oplan tokhang ng PNP.
Wala din umano ito sa drug watchlist ng PNP kaya sa ngayon ay blangko pa rina ng pulisya sa motibo ng pagpatay.