Melai, nag-I LOVE YOU kay Jason

Melai Cantiveros

HAVEY: Usap-usapan sa isang umpukang showbiz ang hindi raw pagkakasundo ni Kris Aquino sa mga taga-Kapa­milya sa kanilang offer na TV shows.

Diumano, 2 year contract daw ang ini-offer ng Dos samantalang ang hiling ng kampo ni Kris ay gawing pangmatagalan ang kasunduan para may security of tenure at may promise of longevity.

As far as I know, tigdadala­wang taon lang ang contracts sa ABS-CBN, then, nire-renew na lang if ever.

Kasabay na usaping ito, maugong ang balita mula sa social media post ni Kris din na may pag-uusap sila ng grupo ni Mr. Tony Tuviera ng APT na umabot pa raw ng hapunan.

Gaano katotoo na ang gusto raw ni Kris ay ang 11:30 AM timeslot before Eat Bulaga, pero wala raw ganu’ng plano ang APT?

Saan kaya hahantong ang ganitong negosasyon? For sure, alam ni Kris kung paano magpataas ng kanyang value.

***

Melai Cantiveros
Melai Cantiveros

WALEY: Nakakatuwa si Melai Cantiveros na sa gitna ng kanyang pagho-host ng Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Karla Estrada ay may references kay Jason Francisco.

Nagkataong kahapon, guest si Lyca Guiranod (grand winner ng The Voice Kids) at ang ka­patid niyang si Jessa na ang totoong pangalan ay Jason.

Sabi ni Karla, “Jason, Jason, Jason daw,” bilang pang-aasar kay Melai.

At alam ninyo kung ano ang nasabi ni Melai?

Nangiti siya at ang sabi, “I love you, Jason!”

Dahil dito at sa mas malawak na pag-unawa ni Melai, mukhang tinototoo niya ang sinabi niyang, “Kasal kami at pamilya kaya dapat lang ipaglaban.”

Ang masasabi lang namin ay tuloy lang, Melai, sa pagbuo mo ng iyong pamilya.

Natural lang ang ganyang mga pagsu­bok, at dahil sa malalilm ninyong pinagsamahan, malalagpasan n’yo rin ang inyong pinagdaraanan bilang mag-asawa at pamilya.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me @iamnoelferrer.