Alden Richards at Maine Mendoza
Alden Richards at Maine Mendoza

NAKU, nakakatawa ang awayan ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, huh?!

Kahit magka-love­team ang idols nila, sila-sila eh hindi nagkakasundo.

Inirereklamo ng fans ni Maine ang isang fan na malapit sa binata na nagtataray raw sa kanilang idol.

Tinawag kasing ‘Pa­nget’ ng fan na ‘yon si Menggay.

Depensa ng fan ni Alden, nagbibiruan lang sila ng ibang AlDub fans at nang marinig ‘yon ng fan ni Maine ay pinalaki’t ginawang issue.

Aware kaya sina Alden at Maine sa hindi pagkakasundo ng kani-kanyang fans?

And if ever, may gagawin kaya silang paraan para mag-unite ang mga ito?

Ang nakakaloka lang, dahil sa hindi pagkakasundo ng fans nina Alden at Maine, ‘yung mga maka-Menggay raw ay ayaw suportahan ang mga proyekto ng binata na hindi kasama ang kanilang idol.

Teka! Kung ganyan nang ganyan ang kani-kanyang fans, hindi kaya ikabagsak ‘yon ng love­team nina Alden at Maine?!

Kung magsosolo sila dahil sa awayan ng kani-kanyang fans, sino kaya ang mas may staying power kina Alden at Maine?

Well…

***

Dapat sigurado ay magpaliwanag na kaagad si Kris Aquino o ang kanyang kampo kaugnay ng natsitsikang gusto niyang lumipat sa GMA 7 sa pamamagitan ng APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera, huh!

Ang duda kasi ng marami, knowing Kris, baka siya pa raw ang nagbigay ng idea kay Mr. Tuviera na magprodyus ng TV show para sa kanya.

Baka raw walang balak si Mr. Tuviera at kung anu-ano pang “baka” ang pinag-uusapan ngayon tungkol kay Kris.

Mas ma­kakabuti raw na linawin na ni Kris ang tungkol sa mga bagay na ito lalo na at may mga nagdududa na baka nagagamit lang ni Kris ang APT Entertainment para magpahabol sa ABS-CBN, ‘noh?!

Sa galing ni Kris bilang TV host — I repeat, TV host and not necessary as an actress — hindi na siguro niya kailangang gumawa pa ng gimik para kagatin ng Kapamilya network ang gusto ni­yang mangyari na mas mahabang kontrata (raw) ang i-offer sa kanya, huh!

***

Melai Cantiveros
Melai Cantiveros

Binura na ni Jason Francisco ang post niya sa Instagram kaugnay ng problema nila ng misis niyang si Melai Cantiveros.

Nangangahulugan ba ito na nagkaayos na sila?

O baka na-realize lang ni Jason na dahil sa ginawa niyang pagpo-post sa IG ay mas napag-uusapan tuloy ngayon ang tungkol sa problema nilang mag-asawa kesa sa kanilang mga career?

Anyway, habang aba­la si Jason sa pagsisiwalat ng problema nila ng kanyang misis, si Melai ay mukhang pilit na nagpapakatatag.

Obvious ‘yon sa daily morning talk show nila nina Karla Estrada at Jolina Magdangal, ang Magandang Buhay.

Speaking of Magandang Buhay, ngayong 8:00AM ipapalabas ang guesting dito nina Ruffa Gutierrez at Melanie Marquez.

2 Responses

  1. Okay lang naman kung may difference of opinion ang mga fans nila Alden at Maine. Kaya lang i clear sana nila na fans sila ni Maine o Alden at huwag nilang gamitin ang ALDUB. Kasi ang ALDUB ay supporter nila Maine at Alden as a love team at susuportahan nila ang individual projects ng mga ito.