Melissa game kay Rocco

NI: ROLDAN CASTRO

Compatible talaga sina Melissa Gohing at ang boyfriend niyang si Rocco Nacino. Kamakailan ay magkatuwang sila sa feeding activity para sa mga naka-quarantine na sundalo ng marine . Game siyang magpakain sa mga nangangailangan at dapat suportahan.

Sey nga ni Melissa sa kanyang Instagram account, “Today is a good day to help our dear quarantined frontliners. Thank you Brigadier General Manzano for spearheading this humbling feeding activity. ❤

@nacinorocco.”

Proud naman si Rocco sa kanyang girlfriend. Pakli nga niya sa comment section, “Snappy salute to you my love. Glad you got to experience this. #PhilippineNavy.”

Saad pa ni Rocco sa mismo niyang IG account, “Isipin mo, pagkatapos mo magserbisyo, kailangan mo pa rin magpa-quarantine. Imagine yung tagal na hindi mo makakasama ang pamilya n’yo.”

Anyway, masuwerte si Rocco dahil nagkaroon siya ng dyowa na matulungin at game siyang samahan sa kanyang misyon.