Pasko na at malamig na ang panahon pero ayaw pa ring paawat ang mga celebrities sa paghuhubad sa social media.

Pero kung gaya naman ng ace volleyball star na si Melissa Gohing ang tatambad sa pa­ningin mo, aba, mag-iinit ang buong paligid mo.

Talaga namang palaban itong syota ni Rocco Nacino.

Palibhasa naman kasi, may ipapakita at napakaganda ang katawan nito. Malakas ang kanyang loob na ibalandra ang kanyang alindog.

Kitang-kita ang pruweba ng kanyang toned body na talagang pinanday sa paglalaro niya ng volleyball.

Parang nanunukso at pilit na binubuhay ng athlete ang dugo ng mga kalalakihan,
Syempre, hanggang tingin lang ang mga barako.

Parang makikinita si Rocco na nakangisi at parang sinasabing, “akin lang ang sexy kong girlfriend.”