Melissa present kahit bumabagyo

Hakot na lahat ni Rocco Nacino ang mga ninanais niyang mga achievement sa personal life.

Nagawa niyang maging isang artista at maging leading man sa Philippine television.

Nakuha rin niya ang inaasam na license sa pagka-nurse nang makapasa sa board exam, at ang masteral degree sa parehong kurso.

Napagtagumpayan din niyang matapos ang training program para sa pagiging isang marine reservist.

At sa lahat ng achievements na ito, ang nagbibigay-kulay sa mundo ni Rocco ay ang kasintahang atleta na si Melissa Gohing.

Saksakan naman kasi ng appeal si Melissa na makikita sa lahat ng kanyang mga bikini shot.

Nailalabas lahat ni Rocco ang tensyon at pressure sa trabaho sa piling ni Melissa.

Ang kaseksihan ng dalaga ay sapat na para mapangiti nang buong araw ang mundo ni Rocco. Kahit pa nga bumabagyo, always present ito sa pagbalandra ng kariktan.

May hatid na sampal na nakakapagpagising ang kanyang alindog. Kaya nga isang maituturing na diploma ng pag-ibig si Melissa kay Rocco. (Rey Pumaloy)