Mensahe ni Hesus

Mga ka-Misteryo, may mga karanasan na sadyang mahirap paniwalaan lalo na sa lara­ngan ng paranormal. Tulad na lamang ng ibi­nahaging karanasan ni Manuel ng Pampanga nang sinubok niyang kausapin si Hesus.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Mismong si Manuel ay nagsabi sa #TeamMisteryo ng kanyang karanasan pero kaakibat ang paalala na hindi siya isang espesyal na tao para siya lamang ang kausapin ni Hesus.

Para sa kay Manuel, kahit sinuman na may pananampalataya sa Diyos ay maaaring kausa­pin si Hesus.

Ilan sa tanong ng #TeamMisteryo ay pinahintulutang isulat ng inyong lingkod.

Team Misteryo: “Paano nagsimula ang pakikipag-usap no kay Hesus? Sigurado ka bang siya si Hesukristo? Ano Ang naramdaman mo?

Manuel: “Una hindi natin kailangan ma­ging psychic para kausapin si Hesus o ang Diyos. Sinubok ko siyang kausapin dahil nananalig ako na kahit sino ay puwedeng kumausap sa kanya. Kaya bilang psychic channel ay kinausap ko siya.”

Team Misteryo: “Hindi na ako magtatanong kung sa paanong paraan mo ginawa ang pakipag-usap. Alam kong psychic ka at may ganu’n kang kakayanan. Pero mahalaga ano ang sinabi niya sayo.”

Manuel: “Ganito ‘yun sabihin ko na rin kung paano ko siya kina­usap. Nasa bahay lang ako nu’ng kainitan ng Traslacion hanggang nitong biyernes, at naram­daman kong try ko siyang kausapin kasi nagagawa ko naman ‘yun sa ibang nilalang tulad ng mga anghel. Madali akong nakakonek sa kanya. Hinayaan kong gamitin niya ang bibig ko.”

Team Misteryo: “Paano tumakbo ang usapan? Ano ang mensahe niya?”

Manuel: “Unang tanong ko sa kanya, Ano ang tamang tawag ko sa kanya? Suma­got siyang mas komportableng tawagin siyang kaibigan. Gusto niyang kasama natin siya sa lahat ng oras. I think ayaw niyang la­ging isipin ng tao na ang layo niya nasa la­ngit siya. Sabi niya kasama natin siya sa lahat ng oras kaya maaari siyan­g kausapin bilang kaibigan. Kung ba­kit kaibigan, kaya nating sabihin sa kaibigan ang saloobin at sikreto natin sa buhay.”

Team Misteryo: “May mensahe ba siya sa lahat?”

Manuel: “Heto ibahagi ko sa inyo. Maaa­ring paniwalaan o hindi pero heto ang mensahe: Huwag mag-alinlangan sa pananampa­lataya sa Poong Lumikha dahil handa kaming tumulong mula sa Kaita­san. Maraming pagsu­bok ang darating sa buhay ng tao. Kaya namang lagpasan ng lahat. May mga trahedya na maaa­ring mang­yari. Kaila­ngan lamang na palakasin ang pananalig sa Poong Lumikha.

Magmahalan kayo. Iwaksi ang masasamang iniisip sa kapwa. Magtulungan kayo para mapanatili ang kapayapaan sa bawat isa. ‘Wag mag-alinlangan sa mga plano na inaakala ninyo ay tama. Ma­ging magkaibigan kayo sa bawat isa dahil ang magkaibigan ay hindi matawaran ninuman. Ako ay inyong kaibigan. Tawagan ninyo kong kaibigan.”

Minabuti ni Manuel na itago ang tunay niyang katauhan at kung may mahalagang mensahe o karanasan ay maaari niyan­g sabihin sa #TeamMisteryo.

Pag meron kayong kuwentong karanasan ng himala at kababalghan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.