Habang palapit na nang palapit ang pagtatapos ng Marawi conflict kasunod ng pagkakapaslang ng Maute leaders na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute, nagpauna na nang abiso sa gobyerno ang isang kongresista na paghandaan ang pagbabalik sa normal na buhay ng sumabak na troops at partikular na bigyan ng atensyon ang mental health ng mga ito.
“The trauma and stress of the protracted battle the likes of which has never been seen before by our soldiers has surely taken its toll on those who fought against the terrorists,” paghahayag ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon, senior vice chair ng House committee on national defense and security.
Pihadong naapektuhan aniya ng Post Traumatic Stress Disorder (PTSD) ang karamihan sa mga sundalo kaya naman kinakailangang mabigyan ng kaukulang mental health care ang mga ito.
“Beyond giving them a hero’s welcome, we must ensure that they return to regular life with a normal state of mind,” dagdag nito.
Kaugnay nito, maagap na nagpaabot ng pagbati ang solon sa mga opisyal at enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang accomplishment.