May problema sa mental health lumobo

Pinaiimbestigahan ni Senadora Leila de Lima sa Senado ang napaulat na pagtaas sa mental health incident sa gitna ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Sa Senate Resolution No. 439, sinabi ni De Lima na kailangang rebyuhin ang implementasyon ng Republic Act No. 11036 o Mental Health Act.

“Issues on mental health are far deeper than we think and imagine, and reek more intensely in our society as everyone is mandated to be confined at home,” sabi ni De Lima sa isang statement.

“Everyone has all the time to be alone with their minds during a pandemic when nothing is certain, and the future is still a blur,” dagdag pa nito.

Sa datos ng World Health Organization (WHO), mahigit 100 milyong katao ang nakakaranas na mental disorder sa Western pacific region, kabilang ang Pilipinas.

Sinabi naman ni Dr. Angelo Jesus Arias ng Philippine Psyciatric Association na problema sa ngayon ang bilang at distribusyon ng mental health workers sa bansa sa panahon na pandemya sa kabila ng pagsasabatas ng Mental Health law.

Ayon kay De Lima, sa Pilipinas ay meron lamang isang psychiatrist kada 250,000 populasyoin na malayo aniya sa ideal ration na isang psychiatrist kada 50,000 populasyon.

Nabunyag din sa pagdinig sa Senado noong Mayo na pinutakti ng tawag ang National Center for Mental Health (NCMH) helpline simula nang simulan ng gobyerno ang lockdown. (Dindo Matining)