MERALCO ‘DI SUSUKO

pba-ginebra-meralco

Game 6 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00 p.m. — Meralco vs. Ginebra

Positibo si Norman Black sa tsansa ng naghihingalo niyang Meralco na makakahirit pa sa Game 6 sa seven o’clock tonight upang maka­pwersa ng winner-take-all match sa Biyernes sa PBA Go­vernors Cup best-of-7 title duel sa Smart Araneta Coliseum.

Para aniya makara­ting doon, dapat mapantayan nina Best Import Allen Durham, Rookie of the Year Chris New­some, Reynel Hugnatan, Jimmy Alapag at Cliff Hodge ang enerhiya ng karibal magmula pa lang sa umpisa ng digmaan.

“It’s a do or die so we must get off to a good start and match the ener­gy of Ginebra right from the jump ball,” giit  ng Bolts coach, na natambakan nang pinakamalaki sa serye sa huling girian nung Linggo na 21 points pa-92-81 pagkalasing sa Ginebra.

“At this point it’s about who wants it the most so we have to play the type of basketball that got us this far in the tournament. We must play our best basketball now,” pahabol pa ni Black.

Pero tinagubilinan ng counterpart niya sa Gin Kings na hindi na dapat paisahin at bumalik pa ang momentum sa Me­ralco, na naghahangad pang pasiglahin ang delikadingding na asam na unang franchise title sa anim na taon.

“We put our best game of the series together in Game 5 and now our challenge is to follow up and not give the momentum back to Meralco,” sabi ni Tim Cone.

Ibig niyang maihatid ang team sa nine championship sapul nung 1979 at una sa walong taon tapos maghari sa 2008 Fiesta Conference.

Alerto rin ang alak sa bweltang boltahe pa ng kuryente.

“We expect a big fight back by them. They’ve been an incredibly resi­lient team all conference long,” hirit ng Gin Kings coach, na takang nadala sa Finals agad ang kampo sa pangatlo pa lang niyang conferences na pagmando.. Nakamata si Cone sa kanyang 19th crowns sa 30 final ­appearances.

Pagbabatakin niya ng mga buto sina Justin Brownlee, Mythical Second at All-Defensive Team awardee Japeth Aguilar, Mythical Second Team membeer LA Tenorio, Scottie Thompson, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand at Joe Davance upang mapiga ang mga natitirang lakas at tuluyang mapundido ang Meralco.