Meralco-MVP kinunsinti ang coal sa bidding

Naalarma ang grupong Power for People Coalition (P4P) sa ginawang pagbabago ng Manila ­Electric Company (Meralco) sa kanilang term of refe­rence sa bidding ng 1.200 megawatts ng power supply dahil sa binibigyan nila ng pagkakataon ang paggamit ng coal-fired power plant na siyang nagdudulot ng polusyon sa bansa.

Ayon sa P4P, kaisa nila ang Department of ­Energy sa pangungulit sa ­Meralco na baguhin ang requirement sa bidding pero sana ay isama din ang mga ­renewable energy (RE) sa pagkukunan nila ng ­power supply.

Magpapa-bid ang Me­ralco ni Manny V. Pangi­linan ng 1,200 megawatts na supply pero inoobliga nila na ang kuryente ay manggagaling sa kontro­bersyal na “high ­efficiency, low emissions” (HELE) technology, na ­sinasabing nakapagpapanipis ng usok pero hindi naman nakakabawas ng polusyon dulot ng paggamit ng coal.

“We welcome the announcement of Secretary Cusi calling on Meralco to change its terms of re­ference for its competitive selection process (CSP).
However, we are not happy that the changes he asks for will just allow more coal-fired power plants to participate, instead of taking the opportunity to obey President Duterte’s directive to have more renewable sources available to Filipinos,” saad ni P4P Convenor Gerry Arances.

“Meralco’s arcane CSP rules are problematic on many different levels. Unfortunately, Secretary Cusi focused only on the ­aspects of the rules which are of concern to big investors and not those of concern to ordinary people. Even if the DOE’s ­changes are adopted, ­electricity will not be affordable, ­reliable, and ­sustainable, as what President ­Duterte wants,” dagdag ni ­Arances.

Ang Green energy group, na pinangungunahan ng P4P, ay matagal nang kinakampanya ang pagkontra sa paggamit ng coal, kabilang na ang ‘clean coal’ technology na hinihingi ng Meralco sa pinakahuling bid offer.