Inutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Meralco na i-refund ang higit P1.2 bilyong over-recovery at sobrang kinolektang universal charge sa kanilang mga consumer ngayong Marso.
Ayon sa kompanya, na pag-aari ni business tycoon Manny V. Pangilinan, makatutulong umano ito upang maibsan ang inaaasahang pagtaas ng singil dahil sa mataas ding generation charge.
Nagmula ang nasabing halaga sa P657 milyong over-recovery at P545 milyong sobrang nakolekta sa universal charge.
Inaasahan na umano ang pagtataas singil ngayong Marso habang papasok ang tag-init.
Nakatakda pang ianunsyo ng kompanya kung magkano ang eksaktong paggalaw sa presyo.
Samantala, inaasahan naman umano na magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil sa pagbagsak ng presyo sa world market.