Nakaalerto ang mga emergency crew ng Manila Electric Company (Meralco) sa darating na Bagong Taon para agad makatugon sakaling tumama ang pyrotechnics at paputok sa mga pasi­lidad nito.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, naglatag na ang kompanya ng mga contingency measures sakaling maapek­tuhan ng mga paputok at pyrotechnics ang kanilang facilities.

Kasabay nito ay pinayuhan din ni Zaldarriaga ang publiko na ilayo ang mga firecra­ckers at pyrotechnics sa kanilang mga electric line at transformer para maiwasan ang mga aksidente at para hindi maputol ang kuryente.

Babala pa ni Zaldariagga, maari ding makaapekto sa mga kable nito ang mga confetti, party poppers at lobo kaya pinayuhan niya ang publiko na gamitin lamang ito sa open spaces na malayo sa kanilang mga kable at poste.

Sakaling may mangyari, sinabi ng Meralco na maaring tumawag sa kanilang 24-hour call center na 16211. (Eileen Mencias)