Muling kinalampag ng magkakasunod na kilos protesta ng mga consumer ang tanggapan ng Meralco upang kondenahin ang naging kasala­nan ng kompanya sa hindi pagbabalik ng refund sa overcharging na pinataw nila sa singgil sa kur­yente.

Pinangunahan ng Power for People (P4P) ang isinagawang kilos protesta sa mga sangay ng Meralco kasama ang civil society group at kanilang iginiit na dapat na gamitin ang hindi pa naibabalik na refund ng Meralco upang mapababa ang presyo ng kuryente.

Sa desisyon ng Korte Suprema, lumabas na mayroong overcharged ang Meralco sa kanilang singil sa kuryente sa higit na tatlong milyong mga consumer sa maraming taon at pinasa nila sa mga kostumer ang kanilang income tax.

“It has been 17 years since the order to refund the P10.8 billion worth of overcharged payments was issued, and yet P4.41 billion of this amount still remains with Meralco as of September 2018,” saad ni Atty. Avril De Torres ng Center for Energy, Ecology and Development.

Ayon kay De Torres, buwan ng Pebrero tumaas ng P0.5782 per kWh ang singil ng Meralco kung saan ang mga kumukunsomo ng 200kWh ay may karagdagang bayarin na aabot sa P114.