Meralco, Northport dikdikan

MERALCO, NORTHPORT DIKDIKAN

STANDINGS W L
Phoenix Pulse 8 1
Rain or Shine 7 3
Alaska Milk 3 2
TNT KaTropa 4 3
San Miguel Beer 4 3
Ginebra San Miguel 3 3
Columbian 4 5
NorthPort 2 3
NLEX 2 4
Meralco 2 5
Blackwater 2 6
Magnolia 1 4

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 p. m. – NorthPort vs Meralco
7:00 p. m. – San Miguel Beer vs NLEX

Isa ang tiyak na mapuputol ang kamalasan para sa mga aahon doong NorthPort at Meralco, gaya ng NLEX na katapat ang 4-time defending champion San Miguel Beer.

Sa mga salpukang ito na magtutuloy sa eliminasyon ng 44th PBA 2019 Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City ngayon.

Alas-4:30 ng hapon ang pukpukang nasa ika-8 Batang Pier (2-3) na pilit puputulin ang tatlong sunod na kabiguan kontra sa nasa ika-10 Bolts (2-5), na asam ding takasan ang tatlong semplang sa karera nilang makahabol pa sa quarterfinals.

Huling nalasap ng Batang Pier ang kontrobersyal na 96-98 kabiguan sa nangu­ngunang Phoenix Pulse Fuel Masters habang napundi naman ang Bolts kontra Magnolia Hotshots sa Xavier Gym sa Cagayan de Oro City, 92-86.

Puwersado ang Bolts na ipanalo ang lahat ng natitira nitong apat na laro habang kailangan din ng Batang Pier na makaipon ng mga panalo sa nalalabi nilang pitong laro.

Tampok sa bangasang NorthPort-Meralco sina Stanley Pringle, Moala Tautuaa at Sean Anthony para sa Batang Pier, at sina Chris Newsome, Baser Amer at Ranidel de Ocampo.