Kinuwestiyon ni Ba­yan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang inilalawit na P0.03 kada kilowatt hour (kwh) na dagdag-singil sa kuryete.

Ayon sa ­kongresista, dapat punahin ang ­Energy Regulatory Commission (ERC) bunsod ng tila diumano’y pagbibigay ng pahintulot sa Meralco na magtaas ng singil sa kuryente.

“Mahirap ‘naman na halos kada gusto ng Meralco na magtaas ng kuryente ay taga-anunsyo na lang ang nangyayari sa ERC at ang Department of Energy (DOE).

Ang dapat ay tunay na pinoprotektahan ng ERC ang mga consumers at di sila ang nagtatanggol sa Meralco,” pahayag ng kongresista.

Base aniya sa media reports, ang Meralco ­power hike ay papalo sa P6 para sa 200kwh; P9 para sa 300kwh; P12 sa 400kwh; at P15 sa 500kwh.