Meralco sumabay pa! Metro Manila, Cavite, Laguna brownout

Magkakaroon ng power interruption sa ilang lugar sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite, Laguna, Bulacan, at Pampanga mula bukas, Marso 17 hanggang Marso 22 para makumpuni ng Manila Electric Company (Meralco) ang ilang facilities nito.

Magsasagawa ng emergency repair works ang Meralco sa San Miguel substation nito sa umaga ng Marso 17 kaya mawawalan ng kuryente sa San Miguel at San Ildefonso Bulacan at ilang barangay sa Dona Remedios Trinidad pati na sa Candaba sa Pampanga.

Mawawalan din ng kuryente sa bahagi ng Bayan-Bayanan sa Barangay Estrella sa San Pedro, Laguna mula 9am hanggang 2pm sa Marso 17 dahil magpapalit ng poste ang Meralco. Mula 8:30am hanggang 2:30pm naman mawawalan ng kuryente sa Maricaban sa Pasay City dahil magpapalit din dito ng poste at magkakaroon ng line reconductoring works. Mula 9am hanggang 2pm naman mawalan ng kuryente sa Marso 17 sa BIR Village sa Barangay Sauyo sa Novaliches, Quezon City para sa pagpapalit ng mga poste. Sa Dasmarinas, Cavite, 9:30am hanggang 2:30 pm mawawalan ng kuryente sa The Orchard Townhomes sa Salitran para sa paglalagay ng mga poste.

Line reconstruction at reconductoring works naman ang dahilan kaya mawalan ng kuryente sa Barangay Olympia at Barangay Valenzuela sa Makati sa Marso 17 at 18 at sa FC Santos Compound sa Barangay San Isidro sa Paranaque City sa Marso 18 at sa Regina Ville Classic Subdivision sa Barangay De Ocampo sa Trece Martirez City sa Cavite.

Sa Marso 18, mawawalan ng kuryente sa Valle Verde sa Pasig mula 9:30am hanggang 2:30pm, sa Panapaan IV at sa Bacoor Cavite mula 10am hanggang 3pm.
Mawawalan naman ng kuryente sa Taguig, Pasay City, Caloocan, Maynila, Muntinlupa, at Cavite

Sa Cupang, Muntinlupa, mawawalan ng kuryente mula 11:30pm ng Marso 19 hanggang 4:30am ng Marso 20.

Sa Marso 22, walang kuryente sa Paco at Pandacan sa Maynila mula 8:30am hanggang 2:30pm at sa Veterans Village sa Taguig mula 9am hanggang 2pm. (Eileen Mencias)