Mercedes, kinilala ang contribution ni Mother Lily sa movie industry

Mother Lily Monteverde

HAVEY: Hinanap ng mga reporter si ­Mercedes ­Cabral sa Kick Off ­Activity ng Metro ­Manila Film Festival 2016.

Sayang nga at hindi­ siya nakadalo dahil may prior shooting sched daw siya kasama si Joem ­Bascon.

Habang ipinagma­malaki ng manager nito na si Mark Shandii Bacolod ang pelikulang Oro, nagpupuyos ang damda­min nito sa reporter daw na nagkunek-kunek sa mga sinabi ni Mercedes.

Ending, inalipusta si Mercedes ng mga res­petadong tao sa industriya­ pati na ng netizens sa ­social media.

Nang matanong ni Shandii si Mercedes kung ano ang gusto niyang sabihin sa mga tao, ito ang sinabi ng aktres. “Please, do not put words into my mouth.”

Kaugnay ito sa FUCKING IDIOT comment ascribed to Mercedes.

Nang tanungin namin si Mercedes kung may gusto siyang ipaabot kay Mother Lily at sa publiko, heto lang ang nasabi niya, “I will just address this issue with Mother Lily privately. I will explain my side nang walang media para hindi maakusahang pam-promo ito.

“Pareho naman ka­ming hindi nagsasalita tungkol sa isyu. Kami na lang ang magkakalinawan.

“Basta, I respect her and acknowledge her contribution to the film industry. ‘Yun na lang po.

“Ayaw ko nang lumaki pa ang gulo na nilikha ni Mr. Edwin Sallan who could have at least called or texted me to verify or get my side of the issue before writing.”

***

WALEY: Waley katotohanan ang tsikang may pirated copies ng ibang mga pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival.

Walang panggagali­ngan na kopya ‘yun kung sakali kundi ang selection committee at ang MMFF Execom na nakapanood na ng pelikula.

Habang may viewing ay mayroon ding representative ang mga producers para mapangalagaan laban sa illegal duplication or piracy.

May commitment ang pamunuan ng Optical Media Board para sawatahin ang ganitong sitwasyon.

Pananagutin daw nila with the full force of law ang lahat ng magpirata­ agad-agad ng mga ito.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.