MESSAGE SENT

Height is not might! --- Ito ang klarong mensaheng hinatid ni 6-foot-3 point guard Kyrie Irving kay 6-10 forward-center Zou Yuchen sa 31st Olympic Games men’s basketball prelims game ng United States at China sa Rio de Janeiro, Brazil nu’ng Sabado. Pulbos sa mga Kano ang mga Intsik, 119-62. (AFP)

RIO DE JANEIRO (AP) — Nagparamdam agad si Kevin Durant at ang Team USA ng kahandaan na rumampa hanggang gold-medal podium.

Tumabo si Durant ng 25 points, at nilampaso ng US men’s basketball team ang China 119-62 sa opening game nila Sabado ng gabi.

Umiskor ang bagong Golden State Warriors star ng 30 points sa gold-medal game noong 2012 Olympics sa London, nang ipagpag ng Americans ang Spain sa championship. Sila lang ni Carmelo Anthony ang bumalik mula sa 2012 team, pero kitang handa rin ang mga bagong salta sa kanilang Olympic moment.

“We just wanted to send a statement to the rest of the world,” wika ni Anthony. “Come out this first game and let everybody know that we’re focused, we’re locked in and we’re about business on this trip.”

Nagdagdag si DeMarcus Cousins ng 17 points at may 15 si Paul George para sa US, heavy favorite na sumikwat ng pangatlong sunod na gold.

Nag-pass sina LeBron James at Chris Paul sa pag­hahabol ng karagdagang gold kasama sina Durant at Anthony, marami pang astig na players ang umayaw. Pero siniguro ni coach Mike Krzyzweski na nagkaga­mayan na ang bagong squad tulad ng unang tatlong US teams na giniyahan niya sa Olympics.

Si Durant ay 10 of 14 sa field at may limang 3-pointers.

“When you get hot, you want to see your bench get excited for you,” lahad ni Durant.

Lunes ay muling sasalang ang Americans laban sa Venezuela, isa pang team na madali nilang sinagasaan sa exhibition play.