Paalala sa mga moto­rista na asahan na magi­ging matrapik sa ilang pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila dahil simula ngayong Nobyembre 5 hanggang Enero 15, 2019 ay magsasagawa ng road work construction project ang Manila Water Co. Inc.

Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsasagawa ng road work construction ang Manila Water Co., Inc. sa may C-5 Road, Libis, Quezon City hanggang Bagong Ilog, Pasig City, J. Vargas Avenue, Saint Francis St., Mandaluyong City, Bayani Road (A. Luna hanggang Diego Silang), C5 Bound sa Taguig City Sandoval Ave­nue sa Pasig City.

Magsasagawa rin ng road construction pro­ject ang naturang kompanya sa Barangay East at West Kamias, Tandang Sora Avenue, Barangay Vasta sa QC at Pasong Tamong Extension malapit sa Mead Johnson/MJ Plaza sa Makati City.

Sinabi ng MMDA ang road work construction project sa nabanggit na mga lugar ay isasagawa ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.

Simula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ay apektado rin ng naturang proyekto ang mga street ng Lands, Mines, Forestry, Soil, DENR, Plant Industry, Road 10, Road 8, Fisheries, Maginhawa, Brgy. Teacher’s Village, Brgy. UP Village, Matiwasay, Mahinhin, Malamig at Mayumi Sts., Kalayaan Avenue, Matalino St., Obrero St. at Bagumbayan sa QC.

Alas-8:00 naman ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ay ang Sgt. Pascua, Bagong Ilog, Pasig City, Brgy. Amihan, QC, Luzon Avenue – Congressional Avenue, AFP – EP Housing sa Taguig City, Mauway Brgy. Nueve de Pebrero St., Mandalu­yong at C. Raymundo Ave­nue, Pasig City.