Metro Manila bantay-sarado pa rin ng PNP

Pnp

Tiniyak ng National Capital Region­ Police Office (NCRPO) na bantay-sarado­ pa rin ng mga pulis ang ilang lugar sa Metro Manila kahit nakasentro ang karamihan sa mga awtoridad sa pagbabantay sa seguridad ng ASEAN Summit.

Ayon kay NCRPO director Oscar ­Albayalde, may mga tauhan pa rin ­silang nakatalaga na nagpapatrulya sa ibang panig Kamaynilaan.

Sinabi ni Albayalde na ito ay bahagi­ ng tinatawag na target hardening measure para matiyak ang kaayusan at ­kaligtasan ng lahat.

“Hati po ang ating mga tauhan. Mayroon pa rin po tayong mga police visibi­lity dahil hindi naman lahat ng pulis sa NCR ay nakakalat at nakatutok lamang sa ASEAN Summit, mayroon ding ga­ling na puwersa mula sa ibang rehiyon,” pahayag ni Albayalde.

Idinagdag pa ni Albayalde na hindi naman totally 100 percent ang nagamit ng NCRPO dahil may mga augmentations galing sa ibang rehiyon gaya ng Police Regional Offices 1, 2, 3, 7 at 9.

Sa ngayon umano ay handang-­handa at alerto na mga pulis na nakatalaga sa ­vicinity ng pagdarausan ng summit pati sa mga hotel na tutuluyan ng mga delegado.

Mahigpit pa rin ang seguridad at off limits pa rin sa publiko ang PICC at CCP grounds na itinalagang delagates zone.