Metro Manila bubuhusan ng bigas

Nanawagan si Agriculture Secretary William Dar na itigil ang pa­nic buying dahil may sapat na pagkain para sa lahat.

Sabi ni Dar kahapon, 26,241 toneladang bigas ang kailangan ng 13.9 milyong mga tao sa Metro Manila sa isang linggo at ang stock na inilaan ng National Food Authority (NFA) para sa National Capital Region ay 55,686 tonelada.

Kukuha rin ng 929,358 toneladang bigas mula Cagayan Valley at sa sobrang bigas ng Central Luzon para sa pangangailangan ng Metro Manila na sapat para sa hi­git anim na buwang pangangailangan nito.

Gayunman, hindi sinabi ni Dar kung nasa Metro Manila na o kung kailan darating ang supply na bigas.(Eileen Mencias)