Metro traffic pinakamasahol sa buong mundo

Wala na umanong tatalo sa Metro Manila pagdating sa trapik, dahil ayon sa pinakahuling datos ng Waze Inc., ito na ang pinaka-worst place sa buong mundo para sa mga nagmamaneho ng sasakyan.

Ayon sa report ng Waze Inc., mas lalong naging ma­tagal ang oras ng biyahe sa tinaguriang ‘most ­congested metropolitan area’ sa Asia at inaasahang titindi pa ito at magiging mas malala ngayong Chirstmas season.

Inaabot na umano ng 4.9 minuto para mag-drive ng isang kilometro sa ­Metro Manila noong Setyembre na mas matagal kumpara sa record na P3.8 ­minuto noong Abril, ayon pa sa Google–owned traffic navigation app.

Sa pinakahuling datos ng Waze, ang Metro Manila na ang world’s most cities para sa mga motorista, kung saan tinalo na nito ang Bagota at Jakarta, ayon kay country manager Sarah Rodriguez sa isang interview.

Nawala na umano ang dating sinasabi na ‘rush hour’ na 6:00AM-9:00AM at 4:00PM-8:00PM ­dahil sa mabilis na pagdami ng mga ­sasakyan sa buong araw.
“Two years ago, there were two spikes — morning rush hour and evening rush hour — then in-bet­ween there was a dip. Now, it has changed. There’s no more midday dip,” sabi ni Rodriguez.

Dalawang taon na umanong hawak ng Metro Manila ang record pagdating sa pinakamatin­ding trapik base sa ‘minutes per kilometer’ na 4.88 minuto, kasunod ng Bagota (Colombia)- 4.00; Jakarta (Indonesia)-3.83; Tel Aviv (Israel) – 2.38; Sao Paolo (­Brazil) -2.34.

Ipinaliwanag ni Rodriguez na bahagi na ng buhay sa kalunsuran ang traffic dahil sa pagdagsa ng mga infrastructure at paglaki ng populasyon kasabay na rin nang pagdami ng mga pribadong sasak­yan bunsod nang napag-iwanang public transport system.

Inaasahan na umano ng Waze na madadagdagan ang ­kilometrahe na binabiyahe ng mga motorista at ang pagsipa ng 10% ng kanilang 1.6M active users. “This is the time of the year when Filipinos travel the most and also spend the most time per drive,” dagdag pa nito.