Mga ABS-CBN worker umapela sa Kongreso

Sa inilabas na open letter ng mga staff at crew kasama ang mga aktor, director at writer na nagtatrabaho sa ABS-CBN, umaasa ang mga ito na mapakikinggan sa 18th Congress ang kanilang api­la kaugnay sa renewal ng kanilang franchise na nakatakda nang mag-expire sa Marso 2020.

“We are hoping that this is just an issue of lack of time in tackling this before Congress adjourned last June 11, and thus, could still be re-filed in the 18th Congress,” ani pa ng liham mula sa mga nagtatrabaho sa nasabing media company.

Giniit pa ng mga ito na malaki ang epekto ng nakaambang pagsasara ng kompanya sa kanilang kabuhayan partikular sa kanilang pamilya lalo na sa mga anak na pinag-aaral.

Sinabi pa sa liham na batay umano sa isang artikulo mula sa PEP.ph, na posibleng nag-ugat ang isyu sa reklamo ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte hinggil sa hindi naipalabas na campaign advertisement noong panahon ng kampanya sa pagkapresidente noong 2016.

“What ever is the issue regarding the campaign TV Ad, we believe, must be resolved legally without affecting the entire organization,” ayon pa sa liham.