Mga aktres, singer kumampi kay Sotto

KAPIT-BISIG ang mga artista at solid nilang kinampihan si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ito’y matapos ipatawag ng NBI Anti-Graft Division. Hinihingan siya ng paliwanag tungkol sa umano’y paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.

Sabay-sabay namang naglabas ng sama ng loob sa social media particular na sa Twitter ang mga celebrity. Dinepensahan nila ang 30-anyos na alkalde.

Hindi nagpahuli ang bokalista ng bandang `Parokya ni Edgar’ na si Chito Miranda at nanita ng mga epal.

@chitomirandajr: “Kung sino pa yung maayos magtrabaho (at mahal na mahal ng mga tao), sa panahong kelangan na kelangan nila ng maayos at matino na namumuno sa lugar nila…biglang may mga gustong umepal.”

Maging ang aktres na si Kim Chiu ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa at direktang pinatamaan ang pamahalaan.

@prinsesachinita: “Like what?????!!!! Yoko na!!!! Ang hirap sa ph govt, pag gumawa ka ng mabuti sa kapwa mas nakakataas ang makakabangga mo, pag gumawa ka ng hindi mabuti kaming mga netizen lang ang kalaban mo at ang nakakataas ay….”

Pati NBI ay pinaringgan na rin ni Jodi Sta. Maria kung saan maging si Donny Pangilinan ay sumuporta.

@JodiStaMaria: “Si Vico Sotto talaga?! Bakit NBI? Ano meron? Eh yung iba? Flushed face Nakakapanghina na minsan yung mga desisyon nyo.”

@donnypangilinan: “With you all the way bro. #ProtectVico”

Mababasa naman sa Facebook ni Aiko Melendez:
“Alam nyo magagalit na ang tao kapag tinuloy nila yan ke mayor Vico… Kasi nakikita ng tao kng paano sya bilang Mayor tapos bigla nalang me summons agad? Dba dapat kapag magaling at nagpeperform ang isang leader gayahin at paramihin ang tulad nya. Pero bat ganito? 😞#dismayed #notfair.” (Aivan Episcope)