Mga Amerikano gumagastos ng $70B para sa pet

Alam n’yo bang mayroong mga tao na pinaglalaanan talaga ng libo-libong halaga ang kanilang mga alagang hayop?

Base sa isang article, gumagastos ang Americans ng umaabot sa mahigit $70 billion dollars, na maaari nang maihambing sa kita ng 39 poorest countries in the world.

Nakakabilib ang istilo ng isang border collie na si Sylar. May sariling mansion na may trampoline at indoor pool. Masyado daw mahal ng may-ari ang kanyang aso kaya naman kumita rin ito sa pamamagitan ng pagpo-post sa social media na ibinabalik niya sa kanyang alagang aso.

Bukod sa mansion ni Sylar, mayroon pa itong mamahaling spa treatments na talagang kinaaaliwan ng mga fan ni Sylar.
Makikita si Sylar sa Beijing, China.

Ayon sa may-ari nito na si Zhou Tianxiao, 31-­anyos, “He gave me a purpose.”

Walang-wala daw siya noon subalit nang turuan niya si Sylar ng iba’t ibang tricks at ipinost nito sa social media ay nakaipon na ito ng mga fan na agad niyang ikinayaman.

Ngayon, sa patuloy na pagsikat ni ­Sylar ay mayroon na itong dog food and toy store sa Chinese e-commerce platform Taobao.

Ayon kay Tianxiao, walang-wala sila noon na nakatira pa sa downtown kasama ang kanyang lola. Halos hindi na siya nakapag-aral dahil sa kahirapan hanggang isang araw ay inaya siya ng kanyang kaibigan na tingnan ang ­puppies for sale.

Agad niyang tinitigan ang isang black-and-white bundle na mabalahibong aso na kumakaway ang buntot sa kanya at ang sumunod na nangyari ay magical na.

“It was love at first sight,” ayon sa amo ni Sylar.