Mga ka-Misteryo isang opisina ang pinamumugaran ng mga anino. Ito ay batay sa kuwentong karanasan ni Jolo ng Pasay.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Panggabi sa trabaho si Jolo at naiiwan siyang mag-isa sa kanyang puwesto hanggang mada­ling-araw.

Nagtanong sa #TeamMisteryo si Joio kung ano ‘yung mga gumagalang anino na lagi niyang nakikita.

Team Misteryo: “Sabi mo mga anino gumagala sa inyong opisina. Anong hugis o hitsura nila?”

Jojo: “Karaniwang anino pero ang dami nila lalo pag hatinggabi na hanggang madaling-araw.”

Team Misteryo: “Hindi ka ba natatakot o ‘di man ka sinasaktan ng mga anino. Ang nakikita mo ay ang mga gumagalang espiritu sa loob ng inyong opisina. Karaniwan silang nakikita sa gilid ng mata.”

Jojo: “Naku Tama nakikita ko sila sa gilid ng a­king mga mata. Mga espi­rito pala mga ‘yun ang dami nila. Mga multo ba ‘yun o kaluluwa ng mga patay?”

Team Misteryo: “Oo karaniwan mga gumagalang kaluluwa pero may pagkakataon na may ganyang demonyo at mga engkanto.”

Jojo: “May time natatakot ako kasi bigla na lamang silang sumusulpot sa tabi ko o ‘di man kaya ay nagbubukas sila ng pintuan ng aming opisina.
Team Misteryo: “Hangga’t hindi sila na­nanakit ay wala kang dapat ipag-alala baka pugad lang talaga nila ang opisina ninyo.”

Jojo: “Kaya pala ganu’n nararamdaman ko parang ang sikip ng opisina namin kahit halos wala nang tao at marami nang nakauwi.”

Sadyang may mga tao na talagang bukas ang kanilang third eye o ‘di man kaya ay sensitibo sa enerhiya ng mga espirito. Mag-ingat lang at laging proteksyunan ang sarili.

***

Para sa inyong kuwentong karanasan mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.