Iba’t ibang klase ng armas ang nakumpiska sa loob ng dating dormitory ni convicted drug lord Peter Co sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) nang magsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Special Action Force (SAF).

Nakasamsam ang mga miyembro ng SAF ng isang submachine gun at ilan pang matataas na kalibre ng baril mula sa Quadrant 4 Dormitory 2-B ng NBP, dating selda ni Co bago ilipat sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos madiskubre sa isang raid na nakapagpasok ito ng appliances, matataas na kalibre ng baril at mga gadget sa dormitory.

Mula NBI naman ay inilipat si Co sa Building 14 ng NBP na kilalang lugar para sa mga high risk inmates.

One Response