Mga artista natutong magnegosyo kay Rhea

Hangad ng CEO at President ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche Tan na umabot ng 200 stores ang kanyang kompanya ngayong 2020. 100 lang ang target niya nu’ng 2019 pero lumampas pa ito.

Level up at pataas nang pataas ang Beautederm. Bukod sa mahusay niyang pamamahala at marketing lucky charm niya ang kanyang mga ambassadors gaya nina Sylvia Sanchez, Marian Rivera, Carlo Aquino Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Arjo Atayde, Enchong Dee, Ejay Falcon, Ken Chan, Rita Daniela, Mat Evans, Ria Atayde, Jane Oineza, Ryle Santiago, Sanya Lopez, Camille Prats, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Jestoni Alarcon, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Maricel Morales, Sherilyn Reyes-Tan, Anne Feo, Alynna Velasquez, Dessa, Kitkat, Jana Roxas, Alyana Asistio, Darla Sauler, Kakai Bautista, Boobay, Luke Mejares, Lance Tan, Alex Castro.

Kapamilya ang turing niya sa mga ito. Binibigyan din niya ng negosyo package ang masisipag niyang ambassadors.

Si Sylvia, dalawa na ang store. Kasosyo niya si Ria Atayde sa isang branch.

“Hindi na ako mag-i-explain sa inyo kung ano talaga ‘yung Beautederm, kung ano ‘yung ginawa nito sa buhay ko, ang gusto kong sabihin sa inyo, kung wala akong tiwala sa produkto na ito, hindi ako magkakaroon ng pangalawang store, pangatlo at soon magiging anim,” deklara niya.

Ang nanay ni Marian, magkakaroon na rin ng store sa Cavite. Sina Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Maricel Morales may sarili na ring store. Sina Carlo Aquino at Lorna Tolentino ay may online business ng nasabing produkto. Nakatakda na ring magkaroon ng store sa isang mall ang mag-inang Sherilyn Tan at Ryle Santiago. Si Korina Sanchez may store din sa Gateway Mall.

“I only have higher hopes for us, better ways to share everything beautéful and more chances to transform lives. It has been an honor sharing all the success with you,” bahagi ng post ni Ma’am Rei sa kanyang FB account para sa madlang pipol. (Roldan Castro)