Mga artista noon at ngayon

Ang kuwento ng nanay ko noon, ang mga artista­ noong kapanahunan niya,­ hindi nasasangkot sa ­eskandalo at inaala­gaan ang kanilang imahe dahil sila ang ginagawang model­ ng kanilang mga fans.

Bihira raw ang mga artista noon na lumalabas ng gabi para gumimik, hindi nasasangkot sa ­eskandalo, walang nababalitaang nabuntis na ­hindi alam ang ama.

Wala rin daw mga balita­ noon na papalit-palit ng boyfriend o girlfriend ang kanilang iniidolong artista kaya huwaran ang mga artista noong panahon ng nanay ko na kung buhay lang ngayon ay 88-anyos na.

Pero ngayon ang mga artista, bihira na ang modelo­ para sa kanilang mga fans at karamihan na sa kanila ay BI as in bad influence sa kanilang mga fans dahil kung anu-anong pinaggagagawa sa buhay.

Nariyan ang nabuntis na hindi sigurado ang ama ng kanyang anak, nariyan ang mga artistang nagkalat ang mga anak, mara­ming artista ang laging nasasangkot sa gulo sa mga gimikan.

Ang pinakamasama, may mga artistang nagugumon daw sa iligal na droga at dahil magaling at mabenta sa mga fans ay patuloy na binibigyan­ daw ng projects kahit alam ng mga producers ang kanilang bisyo.

Hindi magandang­ ehemplo sa mga kaba­taan­ ang mga ganitong­ uri ng artista dahil gina­gaya sila kahit sila mismo­ ay alam na masamang impluwensy­a ang kanilang pinaggagagawa.

Mayroon akong dina­luhan noon na concert, matagal na, ang singer ay halatang sabog na sabog kaya nawala ang respeto ko sa kanya. Nagpe-­perform siyang high na high.

Hindi mo na kailangan­ ang drug test kit para ­malaman mo kung ang isang tao ay sabog sa shabu­ o marijuana dahil sa kilos pa lang nila ay makikita mo na kung sila­ ba ay normal o hindi.

Kaya tama lang na i-tokhang ang mga artistang gumagamit o kaya­ nagbebenta ng iligal na droga dahil wala silang ipinagkaiba sa mga ordi­naryo at mahihirap na drug addict na napapatay sa anti-illegal drug operations ng mga pulis.

Ang mga artista raw noon ay balot na balot ang katawan. Wala ka raw makikitang nakabikin­i lang sa kanilang pelikula­ at maski larawan, wala ka raw makikita na larawan nila na naka-panty at bra lang.

Ngayon, kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya,­ ang mga artista, lalake man o babae eh isang snap lang eh makikita mo na ang kanilang mga kalu­luwa. Nagpapaligsahan sila sa social media sa pagpapakita ng kanilang katawan.

Nagkalat ng kanilang mga larawan sa social media­ na naka-bra at panty lang na hindi naman nila dapat gawin dahil hindi pagandahan ng katawan ang hinahanap ng mga tao kundi ang kanilang galing sa pag-arte.

Akala tuloy ng kanilang mga fans eh okey lang din ang magbilad ng katawan sa social media kay­a gina­gaya sila. Kailan ba naging­ mabuting ehemplo ­talaga ang mga artista sa kanilang mga fans? May kasalanan ba riyan ang mga producers­ din? (dpa_btaguinod@yahoo.com)