Ang latest, ‘di ko na uulitin pa ang mga kaganapan tungkol sa former teen star at super pro­mising actor na si John Wayne Sace.

Front page story nga si John Wayne in most broadsheets at tabloids.

Bukas na aklat na this fallen Jedi succumbed to the dark side as well.

May attempt na rin yata itong magpaka-good boy, ‘di ko lang sure kung napangatawanan niya.

May comeback TV show pala sa TV 5 si John Wayne a year ago lang.

Hindi ko naramdaman at all na may effort pala siya na makabalik sa Tinseltown.

Ang napuruhan at dead on arrival sa pagamutan, ang kaibigan ni John Wayne.

Si Sace, ­kasaluku­yang under observation at may chance na makakaligtas ang aktor.

Hindi kaya belonging to the cat family si John Wayne? May eight lives to go pa kaya siya?

***

‘KAKATAKOT maging artista nowadays, huh?!

Maganda ka. Maalindog. Nag-invest sa gluthatione IV drops para maging radiant at flawless.

May kulay pa ang iyong hair. Then, timbog ka droga!

Ang siste, mug shots, behind bars, magtanim ay ‘di biro at mag-exercise tuwing umaga sa gitna ng araw na walang sunblock. Welcome back, skin melanin!

***

Showbiz royal ka. Magaling na artista.

BOOM, huli!

At worst, pina-interview ka on national TV na walang presensya of a legal ending.

Ang ending, kulong ka sa espasyong more than 400 people ang laman na good for 100 lang yata ang dapat na occupants.

***

Sa lahat ng mga artis­tang sangkot sa droga, mula sa bold starlets na sina Sabrina M & ­Krista Miller, sa mahusay na artistang si Mark ­Anthony Fernandez, ang pangya­yari kay John Wayne ang pinaka nakakawindang.

Kasi nga, talagang gusto na siyang itumba at ang objective ay ang mag-say goodbye to love na si Sace sa mundong ibabaw with a tandang pangdamdam.

Timbwang at tigok dapat!

May makakapagsabi ba kung gaano na kalala o talamak ang bisyo ni Sace?

Anong state of addiction na siya? Hanggang ngayon ba, user pa ba siya?

Don’t tell me na ­pusher na ito, heaven forbid! Huwag naman sana, juice ko.

Kung gusto na siyang patayin, gaano na ba kalaki ang atraso o pagkukulang niya sa associates at frenemies niya?

Sa mga report sa mga pahayagan, ipinagsisigawan kasi na ‘drugs’ daw ang dahilan kaya BANG-BANG-BANG ang kinahitnatnan ni John Wayne.

Will this be a wake up call for the 27 y/o actor?

Will this incident also serve as warning sa mga iba pang showbiz deni­zens na wala pa ring katakot-takot at walang sawa sa droga?

Sa pamilya, kaibi­gan at nagmamahal kay Sace, mas kailangan niya kayo now more than ever. Mas yakapin ninyo siya at balu­tin sa pagmamahal.

Sa mga artistang go for gold pa rin sa ratratan at paggamit sa mga ‘di nakakatuwang bagay-bagay, tama na ‘yan!

Itigil n’yo na. Hang­ga’t may pagkakataon pa.

Matuto at matakot na kayo sa karanasan at sinapit ni John Wayne Sace.

Be afraid. Be very afraid.