Mga artistang ADIK, pangalanan na!

drug-addiction

NAPADAAN kami sa tapat ng Valkyrie Club kamakalawa nang gabi dahil kumain kami sa Mercato Centrale sa BGC.

Kapansin-pansing maluwag ang kalye at kahit ang parking nila ay maluwag din.
Mangilan-ngilan lang ang mga kotseng pumapasok.

Ang layo sa mga weekend dati na halos hindi ka makadaan sa kalyeng iyun sa dami ng mga kotseng nakapila sa parking.

Madalas, apaw ang mga kotse sa parking lot at maraming nakahimpil sa labas.

Nagulat kami sa senaryong iyun. Ramdam naming matamlay na ang sikat na sikat na club na ito.

Totoo yatang sobrang apektado sila sa isyu ng droga kung saan nababanggit na ‘yan noon na minamanmanan ang naturang establishment.

Nakarating sa aming nalulugi na raw ang investors nito.

Mukhang apektado sila dahil sa mainit na kampanya ng ating Pa­ngulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang droga sa ating bansa.

Ang inaabangan ay ang mga pangalan ng celebrities na involved sa droga.

Isa si James Reid sa agree sa pahayag ni Robin Padilla na huwag daw sanang bastang ibunyag ang mga pangalan ng mga celebrities na ito.

Karamihan daw sa suspected celebrities ay user at hindi pusher.

Sina-suggest ni Robin na kausapin muna ang mga artistang ito bago banggitin ang kanilang pangalan.

Sabi ni James Reid, “I think Robin Padilla spoke out saying about talking to them first before ruining people’s lives. I think I’m in favor of that.”

Wala raw problema sa kanya dahil puwede siyang magpa-drug test anytime.

Dagdag ni James, “I love going to festivals. I love partying. I mean, I guess I’m not going to be afraid of if you’re not doing anything wrong. So, why not?”

Pero hindi na rin daw siya nakakalabas ngayon para gumimik dahil sa dami ng ginagawa niya.

Mas gusto lang niyang mag-diet pa dahil ang daming naglaway sa hu­ling commercial niya.

Medyo tumaba raw kasi siya nong nag-taping sila ni Nadine Lustre ng Till I Met You sa Greece.

***

michael-pangilinan
MICHAEL PANGILINAN photo by Boy Borja

Medyo emotional na si Michael Pangilinan nang napag-usapan namin ang tungkol sa kanyang anak na hindi pa rin daw niya nakikita hanggang sa ngayon.

Isa si Michael sa endorsers ng Smart BroKada, at abala sa bagong endorsement niya kaya pansamantala niyang nakakalimutan ang pagsabik sa kanyang anak.

Pero pursigido si Michael na ituloy ang pagsampa ng demanda para sa visitation rights sa kanyang anak kung magmamatigas ang ex-girlfriend na huwag ipakita o ipahiram sa kanya ang kanilang anak.

“Ayoko sanang umabot dun eh. Pero ready ako mag-file anytime,” pakli ni Michael, na kasama sa Powerhouse concert sa October 28 sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino.

“Hangga’t maari, ayoko pong umabot sa ganu’n. Pero kung darating tayo sa ganu’n para mahiram ko ‘yung baby ko, gagawin ko.

“Wala naman akong galit sa kanila eh. Gusto ko lang naman mahiram ‘yung baby ko.”
Magsisiyam na buwan na ang baby boy ni Michael sa dating girlfriend.

Hindi maganda ang paghihiwalay nila pero sana maging civil daw sila pagdating sa kanilang anak.

Nagpadala na raw siya ng demand letter nu’ng August 4 pero hanggang nu’ng nakausap namin siya ay wala pa siyang natatanggap na sagot.

“Baliktarin natin ‘yung situation, ako ang hindi magpapahiram sa baby ko, matutuwa ba kayo? Siyempre, no!

“Sabi ko nga, kung may problema tayong dalawa, huwag mong idamay ang bata. May galit ka sa akin, o kung may galit ako sa ‘yo, huwag nating idamay ang bata,” himutok ni Michael.

“Umabot na nga ako sa parang nababaliw na ako para sa baby ko dahil sinasabi ko minsan, ikulong n’yo na ako mahiram ko lang ‘yung bata,” dagdag niyang pahayag.