PARA matuldukan ang chikang may talents ang ABS-CBN Star Magic na into prohibited drugs, nagka-supervised and voluntary drug test nitong Sabado kung saan 40+ Kapamilya artists ang dumalo.

Dapat papurihan ang Star Magic sa ginawa nilang ito lalo na’t hindi matapus-tapos ang sex, drug and rock ‘n roll stories patungkol sa mga artista.

Glamour, glitz, at karamihan ay maraming pera, accessible sa kanila ang lahat and some of them, lahat ng pwedeng i-try eh titikman alang-alang sa experience.

Ika nga ni Madonna, “Experience has made me and they’re after me.”

Kung hinahabol sila, kasi, may wisdom na sila para sabihin na don’t go into that direction or hinahabol sila, kasi, malala na ang kanilang kaadikan… sila lamang ang makakasagot.

They know what is best for them and their careers.

Sa 40+ stars na nagpa-drug test, “results were 100% negative for Jake Cuenca, Enrique Gil and Diego Loyzaga and the rest of the Star Magic artists.

“Star Magic believes in the efforts of the current campaign to keep our homes and working environments drug-free,” ayon sa kanilang opisyal na pahayag.

Hindi binanggit kung sinu-sino pa ang ibang mga artistang sumali sa drug test.

May A-listers kaya o starlets & studlets lamang?

Kung may positive sa mga naunang nagpa-drug test, ipapaalam kaya sa publiko ang tungkol dito?

O tatahimik na lamang ang Star Magic at tutulu­ngan ang artista sa kanyang rehabilitasyon at pagbabagong-buhay?

Huwag naman sana, pero paano kung major-major superstars ang positibo?

Will they also be quiet about it and make it their sacred secret and employ silence is my best defense card?

Mahusay ang Star Magic sa damage control.

Maraming urban le­gends ang kanilang superstars lalo na when it comes to them being intoxicated in public pla­ces. Napapagtakpan ng maayos na maayos at malinis ang intoxication allegations.

Eh kung sa droga kaya?

Paano kung ang mga artista nilang mahilig na mag-party-party as if there is no tomorrow sa sosi joints, biglang may lightning raid at matitimbog ang mga ito, may mga ebidensyang gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot, paano kaya nila papalantsahin ang gusot?

Ngayong maigting na maigting na ang kampanya laban sa ipinagbaba­wal na droga, wish ko lang na ang mga artistang into substance abuse, tumi­gil na bago pa mahuli ang lahat.

Kasi, kung hindi kulu­ngan o rehabilitasyon, worst case scena­rio… ang tumimbuwang na lang kayo dahil sa overdose.

***

Atom Araullo
Atom Araullo

Nakakapanghinayang na ang isang mahusay na broadcast journalist na tulad ni Atom Araullo ay nagbitiw sa kanyang katungkulan bilang news reporter.

Si Atom lang yata ang reporter na walang takot na hinaharap ang mga bagyo at delubyo maihatid lamang sa mga manood ang balita.

Bata pa si Araullo, alam mong destined siya to be a news reporter.

Ang kalayaan sa pagsasalita at pagpapahayag is an absolute right, at si Araullo, may karapatang ihayag ang kanyang mga hindi nagugustuhan at di pag sang-ayon sa mga kaganapang politikal na apektado tayong lahat.

At tiyak namang sound, well thought of at articulated properly ang kanyang kuro-kuro.

Ang tanong ko, may nagbawal ba kay Atom na magpahayag ng kanyang mga saloobin at opinyon?

May mga higher up ba na kinausap ang binatang broadcaster para pagsabihan siyang bawas-bawasan ang kanyang pagiging opinionated?

Hindi ba ang pagre-request kay Araullo, kung tama ang kutob ko, na mag-shut up na lang, is a curtailment of freedom of speech and expression na pinanghahawakan ni Atom as his core truths?

Kung sakaling walang ganitong scenario, my apologies for having a fertile imagination.

Eh paano kung mang­yari nga? Naku, itataga ko sa bato, may chance na magaganap ang curtailment na ‘yan.

Ang nakakalungkot sa pangyayaring ito, what kind of broadcast journalism are we preser­ving, perpetuating and prolonging sa TV landscape?

Ang mga napapanood sa TV news, majority of them, armchair journa­lists na hanggang curt soundbytes na lang.

Ni hindi makapag-in depth analysis. Puro yes and no questions lang ‘yung iba…

Ang mga interrogation, kulang sa sustansya. Ang IQ at EQ ng iba… hay naku.

Kaya nga hindi na ako nagtataka kung ba­kit ang magagaling nilang anchors, nasa CNN na.

If we see Atom Araullo transferring to the said news community, good for him.

What works for Atom ay ang mga katotohanang he has a good reputation, a credible name, a great command of the Filipino and English language.

At higit sa lahat, ma­talino at may puso.

One Response