Mga artistang nag-shine, nalaos

MILDRED BACUD: Naging makulay ang daigdig ng showbiz nitong 2018. May mga gumawa ng eksena at nawala rin naman sa eksena. Ito ang ranking ng Cuatros sa mga artistang nag-shine at nawala ang kinang sa taong ito.

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Nangunguna sa ating ranking ang KathNiel (Daniel Padilla at Kathryn Bernardo) na gumawa na naman ng box-office record via their movie “The “Hows Of Us.” Reaching more than 800 million na ito, beating 571 million gross of Gandarapido,The Revenger’s Squad ni Vice Ganda last year. Sa pelikulang ito rin napuri ng kritiko si Kathryn Bernardo bilang aktres.

VICE GANDA

Number 2 naman at nananatiling nagni­ningning nitong 2018 si Vice Ganda. Grabe pa rin ang impluwensiya niya, mapa-TV, social media at concerts. Nanatili siya sa kanyang puwesto bilang pinakasikat na beki. Siya pa rin ang kinatatakutan pagdating sa box office appeal dahil may entry na naman siya sa MMFF, ang Fantastica.

COCO MARTIN

Number 3 si Coco Martin. Sa panahon na maiikli na lamang ang mga serye, may FPJ’s Ang Probinsyano na nagtagal. Dahil ‘yan kay Coco Martin na consistent ang taas ng rating. 15 shows na ang tinapat ng Kapuso network sa programang ito pero hindi ito napataob. Naging joke na nga sa mga social media na kahit yata sa pagtanda ng aktor ay may ‘Ang Probinsyano’ pa rin. Hindi na rin mabilang ang mga award na natanggap ni Coco.

ALEX GONZAGA

Number 4 si Alex Gonzaga na pinag-uusapan dahil sa 2.291 million subscriber niya sa Youtube sa ilang buwan pa lamang sa vlogging. Kinabog niya lahat ng mga artistang pinasok na rin ang vlogging.
Kaya naman masigla na naman ang career niya sa telebisyon, pelikula at mga commercial. Tulong ang pagiging social media influencer niya. Napapanood si Alex sa PBB Otso, I Can See Your Voice at kasama siya sa pelikulang Marry, Marry Me na entry sa MMFF.

Joshua Garcia

ROMMEL PLACENTE: Top 5 para sa akin na nag-shine ang career ay itong si Joshua Garcia. Sa defunct TV series nilang ‘The Good Son’ among the cast ay isa talaga siya sa napansin dahil sa husay na ipinamalas niya sa nasabing serye.
Nanalo pa nga siyang Best Drama Actor sa 32nd Star Awards for Television para sa role niya rito. Binigyan din sila ng ABS-CBN 2 ng seryeng bidang-bida talaga ni Julia Barretto. Ito’y ang “Ngayon at Kailanman”.

Kyline Alcantara

Pang-number 6 ang tinaguriang La Diva Contravida na si Kyline Alcantara na masasabi namang sumikat at nag-shine ang career through Kambal Karibal ng GMA 7. Tumanggap ng mga awards bilang Drama Supporting Actress sa 32nd Star Awards For TV para sa role niya kontrabida sa ‘Kambal Karibal’, New Female Recording Artist of the Year sa Star Awards For Music 2017-2018 at na-nominate sa Asian Academy Creative Awards (AACA) na ginanap sa Singapore.

TONY LABRUSCA

Pang-pito si Tony Labrusca ay nag-shine din ang career mula nang mapanood siya sa digital film na Glorious. Pinag-usapan siya dahil sa kissing scene nila ng kaparehang si Angel Aquino. Talagang walang takot siyang nakipaghalikan sa aktres sa kabila ng malaki ang agwat ng edad nila.

It’s a tie sa TNT Boys na kinabibilangan nina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion. Silang tatlo ay produkto ng Tawag ng Tanghalan Kids kaya tinawag silang TNT Boys.
Sold out ang first major concert nila na ginanap sa Araneta Coliseum billed as Listen: The Big Shot Concert. Nakapag-ikot na rin sila sa abroad para mag-show at regular sila ngayon sa reformat ng ASAP.
Yam Concepcion at Yen Santos

RODEL FERNANDO: Of course, mga friend, napakalakas din ngayon at umariba talaga sa 2018 ang YamYen (Yam Concepcion at Yen Santos). Pang-number 8 ang dalawang aktres sa ranking natin ngayon. Pinagkakaguluhan sila bilang Jade at Jacky sa teleseryeng Halik.
Aminin natin, hindi sila masyadong kilala dati pero ngayon ay bukambibig sila sa mga tahanang Pinoy.

JO BERRY
Pang-number 9 naman si Jo Berry. Ang maliit ngunit matinik na star ng programang ‘Onanay’ ng Kapuso Network. First time sa TV na may isang katulad niya na bumida sa isang teleserye at nakasama pa ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

GERALD SANTOS

Pang-number 10 naman ang Prince of Ballad na si Gerald Santos. Hindi makapaniwala ang magaling na singer sa isang pambihira at hindi inaasahang pangyayari sa kanyang karera. Sa totoo lang, maraming pinagdaanan si Gerald pagkatapos siyang tanghalin bilang grand winner sa Season 1 ng Pinoy Pop Superstar sa GMA 7.

Dumating ang masasabing turning point ng kanyang career nang kunin siya para gumanap bilang Thuy sa Miss Saigon. Halos 500 shows na ang nagagawa niya sa UK tour ng naturang palabas. Isang record ito na hindi matatawaran na nagawa ng isang Pinoy. Masasabi ngang isa na rin si Gerald sa mga Pilipino na naglagay ng mapa ng Pilipinas sa buong mundo na hinangaan ng mga banyaga sa napakahusay niyang pagganap sa naturang musical play.

*****

Bumaba ang popularidad

So, Rona sino naman ang top 10 na bumaba ang popularidad ngayong 2018?

RONALINE AVECILLA: Kung may mga artistang kumislap at nagningning nga­yong taon, syempre, may mga tumamlay rin ang karera. ‘Yung iba ay nakaimbak lang sa freezer ng network at naghihintay ng offer.

Janella Salvador at Elmo Magalona

Number one na tumamlay ang career ay ang dating mag-love team na ElNella (Janella Salvador at Elmo Magalona). Marami ang nanghinayang kay Janella na mula nang mapareha at maging nobyo si Elmo ay nawala ang kinang ng career nito. Marami na siyang pinagbidahang serye pero ‘di na nasundan after Born For You.
Naging nega pa dahil hindi maganda ang hiwalayan nila ni Elmo. Ang aktor naman kahit lumipat from Kapuso to Kapamilya lumamlam naman ang career mula sa pagiging battered gf diumano ni Janella. Hindi hit ang pelikula niyang “Walwal Boys”.

John Lloyd Cruz

Ikalawa sa nawala sa karera ay ang aktor na si John Lloyd Cruz. Well, ‘di naman nagsarado ang industriya sa kanya, sadyang kagustuhan lang ng aktor na mamahinga muna sa showbiz at mag-focus sa pagbuo ng pamilya. Ang huling pelikula ng aktor ay taong 2017 pa na kung saan ay katambal niya si Sarah Geronimo sa romcom film na “Finally Found Someone”.
Mukhang happy naman ang aktor sa simpleng pamumuhay niya ngayon. Pero kung sakali man na mapagdesisyunan na niyang bumalik sa showbiz ay siguradong makakabawi agad siya at makakabangon dahil mahusay siyang aktor. Bukod dito, may limang record siya ng pagiging box office king.

Billy Crawford

Ang ikatlo naman sa listahan ay ang actor-host na si Billy Crawford na nawala sa “It’s Showtime” at “ASAP.” Matapos magpakasal ni Billy sa aktres na si Coleen Garcia ay ‘di na siya masyadong ramdam sa industriya.
Anyway, malapit nang i-release ang album niya na “Work In Progress” at ang awitin niyang “Filipina Girl” na kung saan ay kasama niya sa James Reid. Bumango kaya ulit sa 2019 ang career niya?

Xian Lim

Ikaapat naman na nanamlay ang karera ay si Xian Lim. Hindi na masyadong maramdaman ang aktor sa industriya. Mukhang very wrong ang paglipat ng aktor sa Viva Films mula Star Magic na halos siyam na taon siyang naging talento.
Nitong Enero lang ay lumipat siya sa Viva at pumir­ma ng halos limang taong kontrata. Ano kaya ang plano ng Viva Artist Agency sa karera niya?

JASON ABALOS

Ang ikalimang nalaos at di na makaabante ang career ay si Jason Abalos. Mula nang lumipat sa Kapuso network ay hindi na maramdaman ang kaniyang presensiya.
Nu’ng nasa Kapamilya network pa siya ay halos bida siya sa mga proyektong nagawa niya. May plano pa ba GMA 7 sa kanya? Sayang naman at magaling naman siyang umarte kumpara sa ibang mga Kapuso star.

Matt Evans

Ang ikaanim na halos ‘di na ma-feel ang presence ay ang aktor na si Matt Evans. Halos nakalimutan na nga ang aktor magsimula ng lumipat siya sa Syete mula dos.
Ang huling proyekto niya sa GMA ay ang ‘Special Tatay’ na may mahalagang participation siya.

Aljur Abrenica

Pumipito naman na tumal ang offer ay si Aljur Abrenica. Taong 2017 nang mag-expire ang kontrata niya sa GMA at tuluyan na siyang pinakawalan. Iyon at matapos kalabanin niya ang sariling network taong 2014. Pero kahit nagsampa ng kaso sa network ay tuloy pa rin ang offer sa kanya. Huling serye niya sa Dos ay ang “Asintado” pero saglit lang naramdaman.

Rayver Cruz

Sunod naman kay Aljur ay ang aktor na si Rayver Cruz na nagbalik muli sa Kapuso Network. Kailan kaya magbabaga ang career niya? Ang latest teleserye ng aktor ay ang “Asawa Ka Karibal Ko” ng GMA 7. Kung ‘di niya nga lang dyowa ang aktres na si Janine Gutierrez ay makakalimutan na siya sa industriya. Maibangon kaya siya ng pagiging Kapuso niya?

Janno Gibbs

Ika-siyam sa listahan ng mga lumamya at ‘di na rin ramdam ay ang singer na si Janno Gibbs. Kasama si Janno sa mga batikang mang-aawit ng Siyete na lumipat sa Dos. Marami ang nagsasabi na ang pagiging unprofessional umano nito sa trabaho ang main reason. Maging sa ABS-CBN Christmas station ID ay tinabla siya.
Well, sa ngayon ay may isang bagay na nagiging kontrobersiyal siya, ‘yon ay ang kumakalat na sex scandal umano niya habang nilalaro ang sandata niya. Haha!

Zsa Zsa Padilla

Panghuli sa listahan ay ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla. Hindi na kasi siya regular sa bagong format ng ASAP. Mukhang tuluyan nang natabunan ang Divine Diva sa paglipat ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Kaya ang naisip na lang na solusyon ni Zsa Zsa ay ang pagkaabalahan ang negosyo nila ng partner niya na si Conrad Onglao
Sa darating na 2019 maaari naman sumigla ang career nila basta’t mabigyan lang sila ng tamang project. Nakasalalay rin ang pagbongga ng kani-kanilang career sa diskarte, attitude at tinatawag na ‘suwerte’.