Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapwa lider na dumadalo sa 33rd Association of South East Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore na suporta­han at tulungan ang mga mamamayang naapektuhan ng Rohingya crisis sa Myanmar.
Sa kanyang pagsasalita sa working dinner sa ASEAN, hinikayat ng Pangulo ang mga dumadalong lider na magtulungan para tukuyin ang pinagmulan ng karahasan sa Western Myanmar.
Tiniyak ng Pangulo ang kaniyang buong suporta sa mga hakbangin ng ASEAN sa pagbibigay ng huma­nitarian assistance para sa mga apektadong komunidad ng Rakhine state.
Hiniling ng Pangulo ang mga kapwa lider sa ASEAN na lumikha ng isang kaaya-ayang komunidad para sa mga naapektuhan ng gulo at tulungang makabangon at makapagsimula ng bagong buhay ang Rohingya refugees.
“We support ASEAN’s role in provi­ding humanitarian assistance to all affec­ted communities in the Rak­hine State. We must together address the root causes and create a conducive environment for affected communities to rebuild their lives,” anang Pangulo..