Habang nagkakamada si LeBron James ng triple-double sa Atlanta, sumasabay ang chants ng ‘Kobe’s better!’ mula sa mga fan ng Hawks Martes ng gabi.

Message sent!

Alam na kung kanino ang Atlanta crowd sa debate ng LeBron vs. Kobe (Bryant), kung sino ang mas maangas sa kani-kanilang kapanahunan sa Los Angeles Lakers.

Hinaharana ng 16,824 sellout crowd ng Atlanta si LeBron tuwing pumuporma para bumitaw ng free throws.

May contingent din ng Lakers fans na nanood sa State Farm Arena, nagtsi-cheer kay LeBron.

Pero lunod sila sa sabay-sabay na mga “Kobe’s better!” chant ng home crowd.

Kung apektado man si James sa pambabaterya ng fans, mukhang hindi naman gaano dahil 9 of 11 siya mula sa stripe.

Kinubra rin ni James ang panlima niyang triple-double ngayong season na 28 points, 16 assists at 11 rebounds, pero hindi sapat para isalba ang Lakers laban sa Hawks 117-113.