‘Di pa rin inaalis ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang may apat na araw nang pagtigil sa outdoor training ng mga atleta alang-alang sa kalusugan ng mga ito.
Pinatigil ng PSC ang outdoor training at physical activities ng mga national athlete nang pumutok ang Bulkang Taal nitong Linggo.
Ayon nitong Huwebes kay kay PSC Senior Executive Assistant Marc Edward Velasco, tinatayang mga dalawang araw pa bago muling ibalik ang outdoor training ng mga atleta.
“We cannot risk the health of our national athletes even after the ashfall has lessened. We try to see for another two days if we can resume the outdoor training.”
Pinayuhan ng opisyal ang mga manlalaro na magpatuloy na muna ng mga ensayo’t praktis sa mga indoor venue gaya ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila, PhilSports Complex sa Pasig, Teachers Camp sa Baguio at iba.
“We have been coordinating with the NSAs to look for training alternatives. But then, PSC would always work on the safe side. We will be very prudent and vigilant on the health of the athletes.” (Elech Dawa)