Tuloy ang hakbang ng Philippine Sports Commission (PSC) para mapabuti ang suporta sa nutrisyon sa national team na makikipagkumpitensya sa papasok na buwan sa bansa na 30th Southeast Asian Games 2019.

Sinelyuhan ng PSC at Otsuka-Solar Philippines Inc. (OSPI), ang pharmaceuticals company sa likod ng Pocari Sweat, bilang official sports drink ng ahensiya nitong Miyerkoles sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Sa adhikaing maitaguyod ang mabuting kalusugan ng mga atletang Pinoy, nakipagkasundo ang PSC sa Japanese pharmaceutical para mapagkalooban ng inumin ang pambansang koponan para sa 11-nation, 12-day biennial sportsfest.

Pinuri at pinasalamatan ni PSC Commissioner Fatima Celia Kiram, kumatawan kay PSC Chairman William Ramirez, sa pagkilos ng Pocari Sweat na mapaglingkuran ang mga atleta ng bansa.

“I am really so flattered to welcome you this morning for the signing ceremony of our collaboration with Pocari Sweat. We in the Philippine Sports Commission, on behalf of the Chairman, would like to thank you so much for your trust given to us, for sponsoring our athletes, our coaches, especially for this coming Southeast Asian Games. We do hope that this collaboration will be prolonged for our athletes. And with that, we hope we can also collaborate with you beyond the games.”

Masaya rin si OSKI President & Managing Director Kohei Oyamada sa tambalan ng kompanya at ng government sports agency.

“We want the opportunity to collaborate with the PSC for the better health of the Filipino people, not only the athletes, but also people who love sports,” aniya.