Mga atleta nagtanaw-balik sa SEA Games Champs Summit

Nagbigay ng kaniya-kaniyang ‘di makalilimutang ­ekspiriyensiya ang mga national athlete sa kanilang paglahok sa katatapos lang na 30th Southeast Asian Games ­Philippines 2019 sa ­Conrad Hotel sa Pasay.

Pinangunahan ni ­Philippine ­Olympic Committee (POC) Board Member Cynthia Carrion ­pagdaraos ng pribadong ahensiya sa sports ng unang pagkakataon na 2019 SEA Games Champions Summit.

Ikinuwento ng mga ­nagwaging pambansang manlalaro ang kanilang ‘di makakalimutang tagpo, ang ­pagkapanalo at saya sa pagsabak sa harap ng kanilang mga kababayan.

“Basically, the athletes shared their experience sa SEA Games, iyung kanilang mga favorite moment, ­motivation at ang kanilang advice for the future national athletes,” ani ­Carrion nitong Martes.

Pinasalamatan ng mga atleta ang buong suportang ibinigay para sa kanilang pagsasanay mula sa ­training abroad ­hanggang sa pagkain, ­exposure, local ­training camp at iba pa mula sa ­pamahalaan sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission at ang ­magagandang pasilidad na ginamit sa ­pagsasagawa ng 11-­nation, ­12-day biennial ­sportsfest sa Luzon nitong Nobyembre 30-­Disyembre 11. (Lito Oredo)