Mga atleta tampok sa SMC-PSA Awards Night

Muling pararangalan ang mga top sports achiever sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa darating na Marso sa Manila Hotel.

Mga ihahatid din ng Milo, Cignal TV at Philippine Sports Commission (PSC), tampok sa okasyon ang Athlete of the Year na igagawad nang pinakamatgal na media organization sa sa bansa na pinamumunuan president Tito S. Talao, sports editor ng Manila Bulletin.

Dinomina ng mga Pilipino athlete ang ilang international tournament sa iba’t ibang paligsahan sa nakaraang taon.

Tinanghal ang Team Philippines na overall champion sa 30th Southeast Asian Games sa ikalawang pagkakataon sa loob ng 42 taong paglahok sa 11-nation, biennial meet habang ibinandera naman ni Carlos Edriel Yulo ang bansa nang tanghaling unang Pinoy at Southeast Asian gynmnast na naka-gold medal sa 49th Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany.

Nadale rin ni boxer Nesthy Petecio ang ikalawang gold ng bansa sa featherweight division ng AIBA Women’s World Boxing Championships sa Ulan-Ude Russia habang lokal na manlalaro na nag-qualify para sa 2020 Tokyo Olympics si Ernest John Obiena tapos lampasan ang Olympic qualifying standard sa men’s pole vault sa isang torneo sa Chiara, Italy.

Bukod sa Athlete of the Year honor, may recipient din ng President’s Award, National Sports Association (NSA) of the Year award, Executive of the Year, Ms. Basketball, Mr. Volleyball, Ms. Golf, Mr. Football, at kauna-unahang Coach of the Year.

Mayroon ding Major Awards, Lifetime Achievement Award, Tony Siddayao Award, Milo Junior Athletes Award at SEA Games gold medal winners. (JAT)