Mga atletang Noypi ligtas sa Covid-19

Nakabuti ang hindi na pagsali ng ilang national military-athlete sa may 109 bansang lumahok sa 7th Military World Games (MWG) 2019 noong Oktubre 18-27 sa Wuhan City, Hubei Province, China na pinagmulan ng pandemic COVID-19.

Maraming atleta ang sinisisi ang lugar kaya nagka-coronavirus disease 2019 sila. Ilan sa kanila ay sina German volleyball player Jacqueline Brock, French pentathlete Elodie Clouvel, Italian fencer Matteo Tagliarol at iba pa.

Napigilan ang pagbahagi ng mga atletang Pinoy sa 10 araw na paligsahan dahil sa tumuon ang Philippine Sports Commission sa huling quarter ng 2019 sa naghahanda para sa 30th Southeast Asian Games PH 2020 sa Luzon.

Sa lampas na 1,000 athletes ng bansa, nasa 300 sa mga ito ang nasa serbisyo o militar, may mga nasa army, air force, navy, police, coast guard at ilan pang sangay ng sandatahan ng ‘Pinas.

Isa sa pinakaprominente ay si Rio de Janeiro 31st Summer Olympic Games 2016 women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz ng Zamboanga City.

Ang top three finishers sa quadrennial multi-sport meet ay ang mga Chinese na may 133-64-42 gold-silver-bronze medals, Russia na may 51-53-57 at Brazil na naka- 21-31-36. (Lito Oredo)