Mga bagong abogado hinimok sa gobyerno

Hinikayat ng Malacañang ang mga bagong abogado na magtrabaho sa gobyerno para makapagsilbi sa publiko.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasabay ang pagbati sa mga nakapasa sa 2019 Bar examination na inilabas ng Supreme Court (SC) ang resulta nitong Miyerkoles.

Sinabi ni Roque sa mga bagong abogad na umpisa na ito ng pagbabago ng kanilang buhay matapos mapagtagumpayan ang pagtahak sa larangan ng abogasya.

“Today is a life-changing moment to our bar examinees. The results are out and congratulations to the Bar passers. We hope that many after taking their oaths and signing the rolls would consider a career in the government,” ani Roque.

Pinaalalahanan ng kalihim ang mga bagong abogado na gamitin ang kanilang natutunan sa batas para protektahan ang karapatan ng mamamayan at gamitin ito ng naaayon sa kanilang prinsipyo.

“As our examinees enter the legal profession, please keep in mind that they studied law because of their ideal that the legal profession is a noble profession. Lawyers pledge to uphold the law at all times and use it to protect people’s rights,” dagdag ni Roque.

Para naman sa mga nabigong makapasa, pinayuhan sila ng kalihim na huwag madismaya bagkus ay ituloy ang nasimulan hanggang sa makamit ang pagiging ganap na abogado.

“To those who are not fortunate in their attempt, my advice as a professor of law, is not let the results dishearten them. Continue to believe in their passion,” wika pa ni Roque. (Aileen Taliping)