“Slowly, but surely”.

Ito ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ginawang unti-unti nilang pagpapa-uwi sa mga displaced residents at mga bakwit ng Marawi City.

Simula nang mag-umpisang maghasik ng karahasan ang ISIS-inspired na Maute Group sa lugar noong Mayo 23 ay mahigit dalawang buwan din na nagsakripisyo at nagtiis ang daan-daang libong residente sa mga itinalagang evacuation centers sa Iligan City.

Ayon kay AFP spokesperson Brigadier General Restituto Padilla, nagsimula na umanong pabalikin ang ilang residente kasunod na rin nang pagbabalik ng klase sa Mindanao State University (MSU) at para muling mag-umpisa sa normal ang takbo ng buhay ng mga taga-Marawi.