Mga bangko, negosyo sa Luzon nabuwisit Pldt Home Fibr ni Mvp bulok

Bumaha ng reklamo mula sa mga subscri­ber ang PLDT na pag-aari ni Manny V. Pangilinan partikular sa mga may Home Fibr connection dahil nawalan o matinding bumagal ang kanilang internet sa iba-ibang parte ng Luzon.

Ayon sa netizen na si Oel Aneibo, perwisyo na ang kawalan ng internet connection sa mga bangko at iba pang mga negos­yo sa Vigan, Ilocos Sur.

“Banks and other establishments here in Vigan, Ilocos Sur are offline. Can we get to that first PLDT don’t really care much about these contests,” post siya sa Facebook page ng PLDT Home sa thread tungkol sa mga beauty contests.

“For some reasons, G—- Mobile Data is more reliable than PLDT HOME FIBER. Why is that? In the house, I am expecting to use wifi only pero hindi… mobile data ng gamit ko kasi bulok ang PLDT Fiber” sabi pa sa tweet ni Mike Cheng.

“Entire Nueva Ecija has lost connection today,” sabi naman ng netizen na si James Nilo. “Gusto nila buong Northern Luzon mag send ng PM? This is a massive outage, not a single account issue.”

“Dear PLDT, nag Fiber na kami pero bulok pa rin” sa tweet ni Jared.
Sinang-ayunan naman ni Keith Ortiz San Antonio ang obserbasyon ni Nilo.

“Sa pinagtatrabahuhan ko simula nung umaga wala nang connection pati landline.”

Para kay Rudyard Valdez Fajardo, Lunes pa bumagal ang internet ng PLDT. “Still can’t stream 1080p on youtube right now. Tarlac City area. What’s happening PLDT.”

Lunes pa rin ng hapon nagkaproblema ang internet sa Pangasinan. “We are experiencing slow to no connection since yesterday afternoon here in Natividad, Pangasinan,” sabi ng netizen na si Mari Jud.

“Poor connection entire Isabela,” sabi naman ni DMC Pua.

Suspetsa ng ibang mga subscribers, naputol ang ilang fibr ng PLDT.

“Since 5pm June17, ALL PLDT Fiber/DSL customers from Ilocos down to Bulacan are experiencing VERY SLOW/UNACCEP­TABLE INTERNET SPEED and VERY HIGH LATTENCY. We haven’t read any official Statement about this problem. Fiber CUT?” tanong ni JayB sa Twitter.

Tinanong ng Tonite ang tanggapan PLDT tungkol sa problema ngunit hindi ito nagbigay ng pahayag. (Eileen Mencias)