Mga barangay kinalampag kontra COVID-19

Muling pinaalalahan ang mga barangay leader na nasa kanilang kamay ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols kontra COVID 19 sa kanilang komunidad tulad ng pagsusuot ng face masks at social distancing ngayong nasa ilalim na ng General Community Quarantine ang Metro Manila.

Ayon ito ACT-CIS Partylist Rep. Nina Taduran kasabay ng pagsasabing mas higit na maghihigpit ngayon ang mga barangay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga taong lalabas.

“We are still in quarantine and Covid-19 is still around us. The numbers of affected are still rising. Barangays should be roving around to check the enforcement of health protocols in their communities. Provide masks and sanitizers to the front liners especially the food vendors who continue to sell in the streets,” dagdag pa nito.

Kailangan umanong ulit-ulitin sa tao na ang virus ay nandito pa rin sa paligid natin at ang tanging panlaban ay ang disiplina sa ating sarili tulad ng pagsusuot ng face mask, sanitize, practice social distancing at healthy lifestyle. (Eralyn C. Prado)