Mga basura iniwan sa Rizal Park

Tambak na basura ang bumulaga sa paligid ng Rizal Park sa Lungsod ng Maynila kahapon nang umaga kasunod ng pagdagsa ng mga tao na nagdaos ng kanilang noche buena sa naturang parke.

Sa pagtataya ng Manila Police District, higit 5,000 katao ang nagtungo sa Rizal Park nitong bisperas ng Pasko.

Karaniwan nang dinadayo ng mga kababayan natin ang Rizal Park tuwing kapaskuhan.

Kaugnay nito, nanawagan ang pamunuan ng National Parks Development Committee sa publiko na huwag basta iwanan na lamang kung saan-saan ang kanilang mga basura kapag namamasyal sa mga parke na katulad ng Rizal Park.

Mas makabubuti umano na iuwi na lamang ang kanilang mga basura kaysa pabayaang nagkalat ito sa pampublikong lugar. (Juliet de Loza-Cudia)