Dismayado ang liderato ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa kinahinatnan ng higit sa dalawang taon nitong pakikipag-alyansa sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na pinamumunuan ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.
Ayon kay Lakas secretary-general at Deputy Speaker Prospero ‘Butch’ Pichay, hindi umano tumupad sa usapan ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos lagyan ng kandidato ng PDP ang mga lugar at distrito kung saan meron ding kandidato ang Lakas.
“Dapat kasi kung may coalition, ire-respeto ng ka-coalition mo na huwag maglagay sa district. But ‘yung PDP, naglagay sila ng kandidato sa lahat ng districts. They didn’t respect the coalition,” paliwanag ni Pichay.
Ang PDP at Lakas ay pormal na nagsanib-puwersa noong ika-18 ng Mayo, 2016, ilang araw matapos mahalal si noo’y Davao City Mayor Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng bansa.
“Hindi nila nirespeto ang coalition. That means the coalition is not in effect. So puwedeng maglaban-laban ang PDP at Lakas,” paliwanag ni Pichay.