Patok sa mga botante sa Metro Manila ang mga kabataang kandidato na siyang may malaking tiyansa para manalo sa nalalapit na halalan sa bansa.

Ito ang lumitaw sa pinakahuling independent survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc) noong Marso 1-10, 2019 sa may 3,500 registered voters sa iba’t ibang lugar sa National Capital Region. (NCR).

Sa naturang non-commissioned survey, lumilitaw na kung ngayon gaganapin ang halalan ay manalo sina Abigail Binay (71%) ng Makati­ City, Joy Belmonte (75%) ng Quezon City, Imelda Calixto-Rubiano (67%) ng Pasay City, Lino Cayetano (73%) ng Taguig City, Bobby Eusebio (69%) ng Pasig City.

Malaki pa rin ang lamang ng reelectionist­ na si Mayor Abby sa rating na 71%, kumpara sa kanyang katunggaling kapatid na si Jejomar “Junjun” Binay na mayroon lamang 27%.

Nanatili naman bilang ‘top choice’ ng mga botante sa pag-alkalde sa Quezon City si Belmonte, na kasalukuyang bise alkalde ng lungsod, matapos na makakuha ng 75% na lamang laban kay Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo, na may 24% rating at dating Rep. Chuck Mathay, na nakakuha ng 1%.

Sa Taguig City, si Cayetano, na bayaw ni incumbent Mayor Lani Cayetano ay nakakuha ng 73% laban kay Taguig-­Pateros Rep. Arnel Cerafica, na may 20% naman.

Nangunguna rin si Pasig Mayor Eusebio, sa lead na 65% kumpara kay Vico Sotto, na anak ni ‘Bossing’ Vic Sotto at Coney Reyes, na 27% lamang.

Ang mambabatas naman na si Toby Tiangco, na tumatakbo sa pagka-alkalde sa Navotas, ay nanguna rin sa survey sa rating na 58% habang si Calixto-Rubiano naman ang lamang sa Pasay City na may 67% rating.

Sa lungsod ng Maynila, nangunguna si dating Vice Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, sa rating na 42 percent, habang sa San Juan dikit ang laban nina dating San Juan Vice Mayor Francis Zamora at incumbent Vice Mayor Janella Estrada